tabulas.com: hay

December 8th, 2005

its about time

yay! eto na naman ako!

at shempre pasko na. di ko pa rin masyado mafil. hehe.

Posted by dapithapon at 08:57 PM | psst

October 26th, 2005

grrrr...

hmm. kamusta naman ang pagiging GC? nasira. nasira dahil sa isang lintik na subject na wala namang nagturo. hanep.

ok naman yung iba. kahit na medyo nag-expect ako ng mas mataas na grade ok lang din naman kahit papaano. pero itong subject nato kakaiba talaga eh. wala na ngang nagturo, mababa na ang grade at eto pa, wala akong natutunan tungkol sa subject.

sayang. grabe. nakakabwiset. sayang ang 3 units. considering ang effort na ginawa ko para sa subject nato. andami ko pang nagastos. its really really really not worth it. nakakainis.

owel at least may natutunan din naman ako pero hindi related sa subject. ok lang siguro yun. (oo dito ko magaling. rationalization hanep. hehe)

lessons learned:

1. iresearch ang subject at ang teacher thoroughly bago kunin ang klase.
2. humanap ng bibong groupmates.
3. iwasang magvolunteer at akuin ang gawain kung walang gustong gumalaw.
4. maging pranka sa lahat ng bagay at tigilan na ang pagpigil ng matitinding emosyon.
5. maging mastery oriented person rather than performance oriented (magpaka-GC pero siguraduhing naiintindihan ng mabuti ang subject at not just for the sake of an uno..)

grr talaga. pero ok lang. with experience comes wisdom sabi nga ng pinsan ko. owell. better luck next sem. itotodo ko na talaga. hehehe

P.S. sa mga taga UP, wag kunin ang FILM 10 (or FILM 100 for that matter) kay CORNEJO kung gusto nyo matuto (at opinyon ko to.)

Posted by dapithapon at 04:08 PM | psst

hehehe

kamusta naman ngayon lang uli ako nagparamdam. hehehe.

anyway ako ay kasalukuyang kasama ng aking ina nagbabakasyon sa malayong lugar.

at sa lugar na ito na akala ko ay makakarelax ako pero hindi pala masyado. hehe

(1) kamusta naman ang jetlag. hehe

(2) im gaining a lot of pounds... fast!

(3) panunukso mula sa mga kamag-anak

eto ung isa...

"hey jolene. you're getting skinnier!" (sabi ni pinsan)

"me boyfriend na kasi.." (sabi ng isang pang pinsan)

"oh.."


isa pa...

"uy jolene. gumaganda ka ah."

"ah. hehe"

"may boyfriend ka na?"

"ah. hehe"

"ah kaya!"


at ganun pala un. hehe.

(4) nagkaroon pa ako ng career/life talk mula sa aking pinsan at grabe kakaiba magiisip na naman ako (nikka? career talk? hehe)

impernes sobrang napapaisip talaga ako.

anyway ayun. di nako sanay magkwento in detail. hehe. next time nalang. by next sem ko na siguro talaga maayos ang blog na ito. hehehe. beach pa rin. hahaha.

Posted by dapithapon at 03:23 AM | psst

October 8th, 2005

at syempre

at syempre...

... malapit na ang sembreak at nagpapakangarag pa rin ako.

... hindi pa ako ready sa halos isang buwan na walang gagawin sa bahay kundi kumain at magpataba (sayang ang ipinayat! haha)

... magsesecond sem na hindi ko pa rin naasikaso ang pagpapakabit ng phone.

... wala pa rin ako masyado entry kahit sinabi ko na maglalagay nako.

... beach pa rin ang template ko eh malapit na ang pasko.

... hindi pa rin sinasabi ng magulang ko kung payag sila sa 3 days 2 nights induction dive ng MBS next week.

kamusta naman? beach pa talaga ang layout ko. haay buhay.

Posted by dapithapon at 03:20 PM | 1 ang lumingon

September 22nd, 2005

crs sked!

matatapos na ang sem. hahahaha. ambilis. parang medyo light ang sked ko this sem kaya gusto kong ibawi sa second sem (nyahahahaha)

eto ang choices ko. (gaya gaya kay nikka) hehehe. dalawa muna. hehehe. kinonsider ko na rin ang distance at jeep ride papunta sa bawat isa. haha. wachutink?

A - SUICIDE SKED

MTh
8:30-1 Psych 115
1-5:30 Bio 11

TF
10-1130 MS 1
11:30-1 BREAK!
1-2:30 MBB 1
2:30-4 Psych 108

W
7-9 PE 2 Power Yoga!

(+)
1. siksik sa MTh ang mga posibleng delubyong subjects kaya light na sa TF
2. ung weekend pwedeng time to study
3. di masyadong mahirap gumising sa 1st class
4. nice ang route. very very convenient (msi-mbb-phan, phan-bio)
5. may reason na tumanggi sa mga meeting/lakad kasi ngarag na ng buong araw ng MTh
6. STRESS!

(-)
1. siksik sa MTh ang mga posibleng delubyong subjects
2. walang break
3. walang cramming time lagot pag sabay ang exams
4. STRESS + SUICIDE.

B - STRAGEL

MTh
8:30-1 Psych 115
1-2:30 BREAK!
2:30-4 MBB 1

TF
7-11:30 Bio 11
11:30-1 BREAK
1-2:30 Psych 108
2:30-4 MS 1

W
7-9 PE 2 Power Yoga

(+)
1. evenly distributed ang subjects
2. may break ng parehong araw
3. hanggang 4 lang

(-)
1. 7am class! ayoko na!!
2. Unang class pa lang ngarag na.. baka maging unfocused na the whole day
3. walang jeep ride from PHAn to MSI, istragel tumakbo.. (parang ung PHAn to Chem Pav this sem mahirap na..)
4. hanggang 4pm lang everyday, swak sa mga meeting time sa orgs (hahaha)
5. parang light.. walang CHALLENGE

*****
iniisip ko din kumuha ng GEOL 1 or Math 2 pag di ko nakuha ung mga GE. Sana makuha ko silang lahat lalong lalo na ung PE (Go pagiging RA! )

in a nutshell, sa choice A, mas maraming pros. sa choice B, mas maraming cons. hahahaha. anong masasabi nyo?

kamusta naman? hahaha

Posted by dapithapon at 04:22 PM | 1 ang lumingon

« Newer · »
site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links
---------------


Posted by at in as a post |